Maraming tao ang mahilig sa kape. Sa umaga, tinatandem sa tinapay. Pampagising ng mga inaantok na papasok sa school at trabaho. Kapag mag-oovertime naman sa trabaho, iinom din ng kape. Sa mga graveyard shift sa call center, kape ang kakampi.
Tama! Umiinom ang tao ng kape dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
- Pampanatiling gising kapag inaantok
- Para maging alerto
- Para mas matalas ang pag-iisip
Ang kape po noong unang panahon ay hindi iniinom para sa mga dahilan kung bakit tayo umiinom ng kape ngayon. Ang kape noong unang panahon ay isang uri ng gamot. Umiinom ng kape ang tao noon, bilang pampurga. Ibig sabihin po, hindi po normal sa mga tao noong unang panahon na uminom ng kape bilang pampagising. 'Yan po ang gamit ng kape noong unang panahon at ang pinaka-gamit pa rin ng kape ngayon na hindi nalalaman halos ng karamihan.
Ngayon, may tanong ako sa'yo? Ilang beses ka naman umiinom ng kape sa isang araw? Hindi mo man lang ba naisip na may masamang dulot ang kape?
Kung ikaw ay umiinom ng isang baso ng kape sa isang araw, maigi ito. Ngunit, kung ikaw ay umiinom ng lima at higit pang baso ng kape sa loob ng isang araw, mag-isip ka na. Ang kape po ay may sangkap na "caffeine" na kung matatake po natin ng sobra ay makaaapekto sa ating kalusugan. Ang "caffeine" din po ay addicting. Ibig sabihin po, kapag sumobra na ng 5 o higit pa ang baso ng kape na iyong iniinom, ikaw po ay may posibilidad na addicted na sa kape.
Ngayong alam mo na, ano ang dapat mong gawin? Ikaw na ang bahala. Ako ay concern lamang sa iyo kaya ko ibinigay ang impormasyong ito. I hope nakatulong po ang munting impormasyong ito sa inyo.
http://alvincabamungan.blogspot.com/p/blog-page.html
No comments:
Post a Comment